Kaninang Humanities time, tinuruan kami ni Ma’am Karren gumawa ng paper crane. Yung origami. Ganun. Nung una bopols pa ko, minumura ko na yung papel. Dahil sa simula’t sapul ay disappointed na ko sa papel na yun dahil yun ang test na binagsak ko sa Management.
Noong natapos ko, yes! Akala mo papel ha. At hindi pa ako nakuntento, gumawa pa ko ng tiny version. At isa pang collectible version. Binigay ni Ma’am Karren yung isa niyang collectible version, kaya nagmukhang twins yung dalawang collectible paper cranes. Pinakita ni Cha at Ivy yung paper cranes nila.
At, BRAIN BLAST! May nabuong kwento sa aking utak.
Presenting, The Paper Cranes Story.
Si Mama Crane at si Papa Crane ay may tatlong anak, si Baby Crane at ang Super Twin Cranes. Ang gagong Papa Crane ay nakilala at nabihag ni Whore Crane. Dahil dito, iniwan ni Papa Crane si Mama Crane upang sumama kay Whore Crane. Nagkaroon din sila ng mga anak. Si Mama Crane ay naiwan mag-isa upang alagaan si Baby Crane at ang Super Twin Cranes. Hindi nakayanan ni Mama Crane ang mga pangyayari, nag-suicide ito kasama ang kanyang mga anak upang hindi na rin sila mahirapan.
“Sa susunod gumawa ka ng kwento na hindi bitter ha?”, sabi sa akin ni Ma’am Karren. “Forever ampalaya yan eh!”, sabi naman sa akin ni Anna.
Bawal? Bawal maging bitter minsan? Sinong may sabing bawal? Hahahaha. Kalaunan, ayon tinapon ko rin sila sa basurahan.