Yung first part of Harry Potter and the Deathly Hallows ay ipapalabas na sa Nov. 18. At dahil doon, bigla akong nagkaroon ng retrospection.
I have always been a huge Harry Potter fan. I feel like it’s a part of my childhood. Naaalala ko pa nung ipinalabas yung The Sorcerer’s Stone, sobrang na mindfuck ako. I know masyadong over-the-board yung verb na sinabi ko, pero seryoso. NA-MINDFUCK AKO. Kailan ng ba yun, 2001? 8 years old ako nun. Talagang umasa akong makaka-receive din ako ng letter na nakalagay:
Dear Ms. Antonio,
We are pleased to inform you that you have a place at Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry. Please find enclosed a list of all necessary books and equipement.
Term begins on 1 September, We await your owl by no later than 31 July.Yours sincerely,
Minerva McGonagall
Deputy Headmistress
Nababato pa nga ako nun, kasi kailangan ko pang maghintay ng 3 years para makapasok sa Hogwarts nun. Sabi ko sa sarili ko, “Kapag pumasok ako dun, gusto ko makilala si Harry Potter!” Yung mga magulang ko naman tinolerate ang kagagahan ko nun.
At dun na nagsimula lahat. Pagbili ko ng books, pagsearch sa internet tungkol sa cast, pati yung mga sites tungkol sa Harry Potter sinalihan ko. Natuwa pa nga ako kasi dun sa site na yun, sa Gryffindor ako nilagay nung Sorting Hat. Heh.
At simula nun, hindi ko pinalampas ang adventures nila Harry, Ron, at Hermione. Simula sa Philosopher’s Stone, hanggang sa Goblet of Fire, kung saan nakilala ko si Cedric Diggory na namatay at nabuhay muli bilang isang diwatang kumikinang na nagngangalang Edward Cullen. Hanggang sa Order of the Phoenix at Half-Blood Prince. At heto na nga, yung Deathly Hallows.
Alam niyo ba kung gaano ko kakulit sa mata ng nanay ko dahil kating kati akong mabili yung mga libro? Lalo na nung sa Deathly Hallows, diyosme, pagkalabas na pagkalabas hindi ko tinantanan ang nanay ko na pumunta kami sa National para dun. Feeling ko mauubusan ako ng stock.
On a different note, sa totoo lang, nalulungkot din ako kasi tapos na yung Harry Potter. Wala na kong aabangan bawat taon. Wala na kong aantabayanang love stories (e.g. Harry-Ginny, Ron-Hermione). Nakakabitin kaya yung libro. Ano nangyari sa mga anak nila? Magkaibigan kaya si James Sirus, Albus Severus st si Scorpius? O katulad sila ng mga tatay nila? Eh si Rose at Hugo kaya? Syempre macucurious din ako di ba? Pero kung tutuusin, okay na rin. Kesa naman buong buhay ni Harry e kalaban niya si Voldemort, baka mamaya sumuko nalang si Voldemort sa kadahilanang sawa na siya sa pagmumukha ni Harry.
Kahit na tapos na yung mga libro, at matatapos na yung movies, okay lang. Basta ang alam ko sa sarili ko ay sinuportahan ko si Harry sa bawat yugto ng buhay niya at mananatili siyang parte ng buhay ko at ng childhood ko.