Since malapit na mag-pasko at matagal na kong hindi nagpopost dito sa blog kong napag-iwanan na ng panahon, eto ako ngayon. Muling naglalabas ng mga saloobin at sikreto na sobrang dami, mistulan para akong may LBM at kailangan ko na ilabas ang lahat ng dyebakers sa tiyan ko. Yuck, kadiri yung comparison.
So ayan nga, kung nagbabasa kayo, ang title ng lecheng blog kong ito ay SMP. Sa totoo lang, maraming ibig sabihin yang acronym na yan. Wag kayo mag-jump to conclusions, hokey? At para sa akin, mayroon itong apat na meaning, lalo na sa panahong ito:
1. Sana May Pera
Give-away na yung ibig sabihin diba? So literally, WALA AKONG PERA. ZERO. ITLOG. Sa sobrang hirap ko, pati pang-unli ko hinihingi ko pa sa nanay ko. Hindi ko alam kung saan napupunta lahat ng pera ko. Siguro sa pagkain. Dapat siguro ay gumawa na rin ako ng balance sheet ng expenses ko, nang alam ko kung saan ko ginagastos ang pera ko.
2. Samahan ng May crush sa Professor
Alam ko, mabaho ang pag-acronym. Pero eto talaga seryoso. Isa akong ganap na teleiophile, as opposed to pedophile. Kung ayaw mo maniwala sa akin i-search mo sa Google, yan talaga yung term kapag naa-attract ka sa mas matanda sa iyo. Ayoko sabihin kung sinong MGA (Oo, MGA. I believe I have mental issues.) prof tong mga to, pero rest assured na sila’y mga kalalakihan. Teleiophile ako, pero wala akong identity crisis.
3. Samahan ng Maraming Pagkain
WOOOOOOOO! Eto yung pinaka-positive sa lahat eh, yung maipagmamalaki ko ng bonggang bongga. Kauuwi lang ni Daddy galing Korea kahapon, at dala niya ay sandamakmak na chocolates. Hindi niya ata alam yung rule of discretionary income, pero okay na rin na pagkain ang dala niya. Well, at least okay yun sa part ko. Sabi ko pa naman sa sarili ko na magdidiet ako para pagdating ng pasko at bagong taon kahit magpaka-Snorlax ako okay lang dahil parang ganun pa rin ang weight ko. Pero dahil sa uwi ng daddy ko, sa tingin ko hindi ko mapaninindigan ang 1200-calorie-a-day ko.
At ang pinaka-huli, at ang pinaka-masaklap, at ang pinaka-malungkot, at ang pinaka-nakakadepress, na as a matter of fact right ang mga conclusion niyo…
4. Samahan ng Malalamig ang Pasko
Oo, aminado na ako. As much as I want to deny it, I will now confess it with all my heart and soul. Ang Disyembre ko ay malungkot ‘pagkat miss kita, ano mang pilit kong mag-saya miss kita kung Christmas… LECHE. Talagang kailangan maghanap ng suited song para sa situation diba? Pang-asar lang. It’s not all bad, I think? Hindi ko naman iniisip ito noon, parang ngayon ko lang napagtanto matapos ang matagal na pagnilay-nilay na somehow, malungkot ang pasko ko kapag wala si… Well, wala naman talagang someone in particular. Sa pagkakaalam ko wala. Hmp. Bakit ako conyo?! Iniisip ko na lang na kasama ko naman ang pamilya ko, at magpapasalamat na lang ako na hanggang ngayon ay buo pa kami at may nakakain pa rin sa araw-araw. Para alam niyo na, wag problemahin ang kababawan at kagagahan ko. BUT WAIT, THERE’S MORE. Hindi porket ganun ang mindset ko ngayon pasko ay hindi ako maghahanap ng papa no! Lalo na’t malapit na ang Paskuhan sa UST, dyosme! ALAM NA. Kaya lang eh baka mang-away nanaman ang peke kong asawa at sabihin na kumakalantari nanaman ako ng iba. Samantalang ang relasyon naming ito ay dahil lang sa fact na pareho kami ng apelyido. Okay nakakagago lang.
So therefore, no matter what SMP means, I know for certain that I am part of it. Although some of it’s meaning are purely depressing, sometimes you have to accept it, you know? Even if it hurts so much. Because honestly, escaping things doesn’t make it go away.
AY CHE, NAG-DRAMA?!