Dear Manong, From Me

Hi, Manong. Ewan ko kung bakit dito ko pa sinasabi yung gusto ko sabihin eh pwede namang diretsahan. Siguro kasi gusto ko magkaroon ng laman yung blog ko. Nung Dark Age ko pa ata huling inupdate kasi to. So bear with me, like you have always done ever since I came out of my mother’s womb. Drama tse!

Alam ko naman na alam niyo yung mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Pakana mo yan eh! Ay nanisi? Pero totoo naman, lahat ng pangyayari sa buhay ko ay may purpose ka. You the boss eh.

Normally ang sasabihin ko sa lahat ng ito ay “Bakit? Bakit ako?” at “May galit ka sakin no?”, pero napaka-immature ko naman kung ganun ang sasabihin ko. Siguro nung una natanong ko, kaso nga lang, alanganaman isisi ko sayo lahat yon. Wala ka namang ginagawang masama. Ako mostly may gawa nun. Okay sige ako na, ako na masama. Hahaha. Hindi pity party yon, tanggap ko na yon. So instead, ang hihiling ko na lang sayo ay tulungan mo sana ako maintindihan itong mga pangyayari sa buhay ko.

Nung una nga ang nasa isip ko eh mabait naman ako ah? Hindi naman ako nangaagrabyado ng ibang tao (sa pagkakaalam ko)? Tapos yun pa nangyari sakin. Tapos naisip ko rin na hindi porket mabait ka ay hindi ka bibigyan ng problema. Kung wala kang problema, deds ka na! So I still feel lucky, and very much  alive. Hahaha.

Aaminin ko, medyo kinakabahan ako. At ngayon pa lang nafefeel ko na yung nostalgia. Ni hindi ko nga alam kung paano magpaalam ng maayos! I was never good with goodbyes. Hahahaha tse! Kaya sana po bigyan niyo din ako ng lakas ng loob para harapin ito lahat. At sana, SANA TALAGA, wag sila mag-drama. Ngayon pa lang may OA na kong kaibigan, lalaki pa yun, kesyo iiwan ko daw silang lahat. Sana bigyan niyo din sila ng pang-unawa.

At kung kailangang maging phonepals tayo at mag-usap araw-araw para humingi ng payo at tulong, game! Kahit saan man ako, sa jeep, sa mall, sa CR. Hindi ko kakayanin panigurado kung minsan lang ako mangamusta sa inyo. Kailangan maging regular customer mo ko ulit. At gagawin ko yun, pinky pramis!

Meron pa akong isang request. Alam ko na matagal na kitang kinukulit para sa susunod ko, sabi kasi dapat kinukulit ka para kapag dumating, siya na yon. Yung diz iz rily iz it! Hindi ko alam kung tama itong request ko, pero sana kung hindi man siya yung nasa buhay ko ngayon, ilayo niyo na ko. Ayoko ng gulo, ayoko na rin masaktan. Ayoko lokohin ang sarili ko na siya na yun tapos yun pla joke joke nanaman, na isa nanaman siya sa mga dapat kong pagdaanan bago ko mameet si The One. Kasi, nakakastress eh! Pag-iisipan mo, poproblemahin mo, eh hindi naman pala! Nag-aksaya lang ako ng brain juices kaka-contemplate. Patigilin niyo na sila kung hindi sila. Magkaka-migraine na ko sa kunsumisyon.

So ayun, eto na muna. Kwento kwento na lang ulit pag nakabalik ako sa tindahan mo. Mapapadalas ako dyan simula ngayon, wag ka mag-alala. Besprens tayo ulit.

Love, XOXO, Muahugsz

Airah

2 thoughts on “Dear Manong, From Me”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s