Buhay Ampalaya

Kaninang Panitikan, pinagawa kami ng tula ng prof namin at pinapili sa mga temang pag-ibig, pamilya, kaibigan. Syempre dahil malandi ako (CHOS), pag-ibig ang pinili ko. Bungisngis ako ng bungisngis habang ginagawa ko ‘tong tulang to. Parang ginago ko lang. I regret nothing. Siguro kasi nasa isip ko ‘Hay nako matapos na nga ‘to agad nang makauwi na at makapag-bukas ng Castleville ko’. Kaya pasensya na kung ang jologs niya. Super fail talaga ‘to, swear. Aminado ako mabaho ako sa Filipino.

Ang tulang ito ay inaalay ko sa aking BFF since forever, labasan ng sama ng loob, at karamay sa pagiging ampalaya na si Shannen Denise B. Reyes. Sana maka-move on ka na teh! Malapit-lapit na ko, sana ikaw din. Kaya natin ‘to!

 

Ang Ampalaya

Ang pag-ibig ay isang biyaya

Iilan lamang ang siyang nakakakuha

Mapalad ang makakamtan nito

Ngunit tandaan, hindi lang puro saya ito

Ang inaakala mong tunay na pag-ibig, iiwan kang sawi

Malungkot, sugatan, puno ng pighati

Iisiping ito’y isang birong masakit

Daig pa ang ampalaya sa sobrang pait

At dahil sa pinagdaanang sobrang sakit,

Minsan ay natatakot nang magmahal muli

Sino ba naman ang nais makaramdam uli

Ng lungkot at poot na pag-ibig ay hatid?

Buong buhay mo ba ay kaya mo

Buhatin ang hinanakit sa iyong puso?

Nais mo bang maging ampalaya

Hanggang sa ika’y sumakabilang buhay na?

Parating din ang tunay na pag-ibig na para sa iyo

Kaya wag matakot na mahulog muli, kaibigan ko

Ang ampalaya ay kinakaing gulay

Hindi ito dapat isinasabuhay

~

HAHAHAHAHAHA. Oh diba sabi ko sa inyo laughtrip ‘to eh. Maygali, tuwing nababasa ko to natatawa parin ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s