Balang Araw

May mga araw na rumaragasang sa bilis, mga araw na nakakamuti ng mata sa bagal. Isang segundo ay tila masyadong matagal o kaya’y wala na sa isang iglap lamang.

May mga araw na nararamdaman mo ang napakaraming bagay ng sabay-sabay na parang buhangin sa iyong paa tuwing ang alon ay tumatama sa iyong paa habang nakatayo sa dalampasigan-
unti-unti kang nilulunod, nilulubog.

May mga araw na wala kang maramdaman, nabubuhay upang huminga lang. Ramdam ang pagdaloy ng hangin at dugo sa iyong katawan, rinig ang tibok ng puso. Walang saya, walang lungkot, at wala ring kasiguraduhang buhay talaga.

May mga araw na minsan pakiramdam mo ang iyong sariling bahay, kasama, at katawan ay hindi mo tahanan. Na mistulang alam mong mayroon kang paglulugaran sa mundo pero di mo alam kung saan. May hinahanap ka na di mo alam kung ano. May tinatawag ka pero di mo alam kung sino.

May mga araw na pakiramdam mo alam mo na ang patutunguhan mo sa buhay, na alam mo na ang bawat hakbang na iyong tatahakin, alam ang daang susuyurin. Handa ka sa kahit ano mang parating, at kahit ano man ito ay malalampasan mo rin.

May mga araw na nagsasama-sama silang lahat-
ang oras ay mabilis at mabagal,
ang damdamin mo’y puno at walang laman,
ang buhay mo’y may saysay at walang katuturan-
at para kang isang bombang sasabog na
at gusto na lang mawala.

May mga araw na pipiliin mo na lang sabihin sa iyong sarili na maaayos din ang lahat,
hindi man ngayon,
hindi man bukas,
pero balang araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s