Sinuggest sa akin ni Ma’am Karren na gumawa din ng letter para sa susunod ko. Kaya matapos ang aking contemplation, eto na, eto na yun. Hahahaha. Gagamitin ko na ang Law of Attraction para dumating na siya. Lez do dis!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Para kay Prince Charming,
Binabasa mo ngayon ang isang liham na nagmula sa isang babaeng naghihintay sa iyo mula sa tuktok ng tore. Nasaan ka na? Ang haba na ng hair ko ah, pwede ka na makaakyat dito. Papasundo ba kita kay fairy godmother, o ng fish friends ko? Ano?
Sana kapag dumating ka na, bonggahan mo ha? Yung tipong makakaramdam ako ng excitement na mapapaihi ako sa salawal, yung magmamala-atomic bomb yung puso ko. Tapos yung parang-linya-lang na mga mata ko magmimistulang anime sa laki na may stars pa sa loob. At masasabi ko sa sarili ko na “Eto na. Eto na yun e! Siya na to!”
At dun na magsisimula ang pag-iibigan nating nakakalaglag-panty sa sobrang kilig.
At darating ang araw na magtatapat ka ng iyong damdamin. Sa ilalim ng sangkatutak na bituin, sa may dalampasigan, saksi lamang ang mga alon sa dagat, sinabi mo ang mga magic words. At sa pag-share natin ng ating first kiss, parang may nag-launch na rocket sa sobrang lakas ng impact. Nakakalerky diba?
Sa pagdating mo, pakiramdam ko kaya ko na lahat. Mawawala lahat ng takot ko sa pag-ibig dahil sayo. Kung dati ay nag-aalangan ako na magmahal ng sobra-sobra dahil ayoko na masaktan ulit, pagdating mo hindi na. Masasabi ko sa sarili ko na ‘Mahal ko siya, at mahal din niya ako. Yun na yon. At walang makakahadlang sa aming dalawa.’ At ibibigay ko ang buong puso ko sayo. Pasensya na kung second hand. Sabi nga nila, the early bird gets the worm, but the second mouse gets the cheese. *Hanep sa metaphor* At simula noon, we’re going to take on the world together. We will be fearless!
Sa bawat araw ng pagsasama natin, parang akala mo every day is just the first. Sulit na sulit. Dapat sweet ka, yung sakto lang. Flowers on random days. Random hugs. Simpleng love letter na kahit ‘I love you’ lang ang nakalagay. Di ko alam, ikaw bahala. Surprise me, and steal my heart away.
Sa tuwing magkakatinginan tayong dalawa, it speaks a thousand words and you make me drown on them. Simpleng text mo lang, magha-hyperventilate na ko sa sobrang kilig kahit di ko pa alam ang laman. Tuwing hahawakan mo ang kamay ko, mangangatog ako. At kahit ten meters ang agwat natin, makikita natin ang isa’t isa, ganun kalakas yung vibes natin. We talk about anything and everything and we’re comfortable with it. Kapag kasama kita, safe ako, at kahit dumating pa ang sangkatutak na ninjas, wala akong paki dahil nandyan ka naman.
Sure, pwede ka magDotA kasama friends mo. Next time sali ako. Hindi kita itatali, at ganun ka rin sa akin.
Tatanggapin mo ko sa kung ano ako. Kung minsan kailangan ko ng space, rerespetuhin mo ito. Kung minsan man ay natatapakan ko ang magkalalake mo, sabihin mo lang, at magsosorry ako. Kung minsan ay napaka-lokaloka ko at di ko maintindihan ang nararamdaman ko, maiintindihan mo.
Darating ang araw na magkakaroon tayo ng di pagkaka-intindihan. Nagwawala tayo, bugbugan. Pero pagkatapos nun, kinabukasan nasa labas ka ng bahay ko. At okay na tayo. Dahil hindi natin sasayangin ang lahat ng magagandang nangyari sa atin dahil lang sa mga walang kwentang bagay.
Oo, nakakatakot magmahal ng sobra. Pero kahit na ganun pa man, we will still make that big leap and take the fall. All the tears and the uncertainty makes it all worth it. We will be brave, and wouldn’t give a damn on what happens next. No turning back. We have each other naman.
Kaya dumating ka na. Andito lang ako. Magmamahalan tayo ng over over at major major.
Nagmamahal,
Lukring